Iñigo Ed Regalado - Madaling Araw. PDF

  • Book info

    Author
    Title
    eBook formateBook, (torrent)En
    PublisherAteneo de Manila University Press
    File size1.8 Mb
    ISBN9789711130619
    Pages count370
    Book rating4.33 (45 votes)
     rate rate rate rate rate
  • From author

PDF Pagsubok ang pagbasa sa aklat na ito. Pagsubok sa kakayahan mong magpatuloy magbasa na hindi napapapikit ang mata sa antok at inip. Maganda ang libro kaso luma ang Tagalog. Unang nalathala noong 1909, mga kaibigan ni Inigo Ed Regalado sina Fernando Amorsolo (ang pintor) at Guillermo Tolentino (ang escultor). Tinatawag sila sa UP na "Tres Mosquiteros" patunay ng kanilang pagkakaibigan. Isang sikat na pintor, escultor at manunulat. Si Regalado yong manunulat at itong Madaling Araw ang kanyang sinasabing obra.

Ang titulong Madaling Araw ay isang metaporya na ang hatinggabi ay masungit kaya ang madaling araw ay ang pagsisimula ng umaga na matiwasay at payapa. Kumbaga, para itong transition mula sa buhay na masalimuot tungo sa masaya at matiwasay na estado.

Punung-puno ang nobela ng mga sub-plots na kung minsan ay masarap pang pagtuunan ng pansin kaysa sa major storyline nito: ang mga kuwentong pag-ibig. Sa mga sub-plots nariyan ang kuwento ni Juan Galit na parang isang synthesis (parang si Pilosopo Tasyo sa Noli) na naipit sa mga kuwento ng romanse at naging konsensiya ng libro. Nariyan din ang mga maliliit na kuwento ng mga magulang ng mga pangunahing tauhan na mas naka-relate ako kaysa sa mga nagiibigan dahil siguro sa edad ko. Nariyan din ang backdrop ng kuwento: ang pagbabago ng panahon mula sa mga kolonyal na kaisipang dikta ng mga Kastila hanggang sa pagpasok ng bagong kultura at kaisipan ng mga Amerikano. Dahil sa mga elementong ito, maihahambing ko ang Madaling Araw sa Anna Karenina (5 stars) ni Leo Tolstoy na mga tagpuan rin ng nagbabagong panahon mula sa Imperial Russia sa pamumuno ng mga tsars patungo sa komunismo. Sa unang tingin, ang Anna Karenina ay kuwento ng isang babaeng nangalunya ngunit kung hihimayin at babalangkasin ang nobela, makikita ang mga mumunting sub-plots na may powerful messages na mas mangingibabaw kaysa sa kuwento ng babaeng natuksong umibig sa isang sundalong ka-edad niya.

Ganyan din ang Madaling Araw. Sa unang tingin, kuwento ito ng pagiibigan ng tatlong pareha: (1) sina Mauro at Luisa na kapwa hinahadlangan ng kanilang mga magulang dahil si Mauro ay isang jobless (palaboy) kaya ayaw ng mga magulang ni Luisa sa kanya. Bukod pa dito, gusto ng mga magulang ni Mauro na ipakasal siya sa iba, kay Ines/; (2) sina Daniel at Nieves na oo nga't nakapagpakasal pero nasira ang kanilang pagsasama dahil sa paninira ng mayamang si Pendong na nasaktan noong magpakasal si Nieves na kanyang sinisinta kay Daniel. So, ang ginawa ni Daniel ay sinabayang umalis sa kanilang bayan kasama ang kaibigang si Mauro dahil sa selos. Sinabi kasi ni Pendong na di si Daniel ang ama ng ipinagdadalangtaon ni Nieves; (3) sina Roman at Sision na walang selos at intriga ang pagiibigan kaso naman namatay si Roman sa bisperas ng kasal nila. Tapos sinundan na rin ni Sision dahil sa sobrang lungkot. Bale ganun, pero mga kamatayan ang naghiwalay sa mga magsing-irog sa nobelang ito. Malungkot kung tutuusin kaso kung doon ka magfo-focus sa subplots, matutuwa ka na rin dahil marami kang matututunan sa mga kaugalian ng mga tao noon: ang pagsakay sa trambiya, ang panonood ng karnabal, atbp. Nakakatuwa ring basahin ang mga talata ng paglalarawan sa sex. Di tuwiran sinasabi kahit "pagniniig" o "pulotgata" pero sinasabi sa pamamagitan ng metaporya at mahabang pagpapaliwanag gamit ang mga salitang "hamog," "talulot ng bulaklak", "halimuyak" atbp. Ilang taon lang ang agwat nito sa Noli ni Rizal pero mas nailarawan nito ng mas makatotohanan at mas matapang ang kultura at kapaligiran noong panahong iyon. Akala ko, halimbawa, walang pre-marital sex noong panahong iyon (ilang taon lang mula sa panahon ni Maria Clara) pero yong dalawang parehang magsing-irog sa kuwento, nakakatakas para mag-sex.

Kung may tiyaga kayong magbasa ng klasikong nobelang Tagalog, subukan ninyo ito. Marami kayong matututunan na malamang na di ninyo pa alam noong panahong ng pag-alis ng Kastila at pagpasok ng mga Amerikano sa Pilipinas. Parang mga pinta ni Fernando Amorsolo at estatwa ni Guillermo Tolentino na gumagalaw. Pinagagalaw ng mga hinabing salita ng kanilang kaibigang si Inigo Ed Regalado.

Obra. Obra nga ito.

Tags: download, iñigo ed regalado, ebook, pdf, madaling araw

download Iñigo Ed Regalado Madaling Araw PDF

Download from mirrors